Wednesday, October 15, 2014

Relihiyong HINDUISMO

Hinduismo ang pangunahing relihiyon sa India na mga Aryan ang unang tribong sumam-palataya sa Hinduismo. Naniniwala sila sa maraming Diyos mula sa ibat ibang likha ng kalikasan, subalit ito ay naglaho at napalitan ng pagsamba kay Brahma.Veda ang banal na kasulatan ng mga Hindu na nagmula pa sa panahon ng mga Aryan, tinuturo ng Vedas na ang tao ay mag-karoon ng mahaba at mabuting buhay.Ginagalang ng Hinduismo ang indibidwal na pagsamba, mayroon silang mga altar,mga santo. Nagpupunta sila sa mga banal na lugar.
Mga Paniniwala ng Mga Hindu
Naniniwala ang mga Hindu sa pagkakabuklod at pagkakaisa ng mga bagay sa kapaligiran na nagdadala sa pagkakaisang ispiritwal. Naniniwala ang mga Hindu sa pagmamahal, pag-galang at pagrespeto sa lahat ng mga bagay na may buhay, espiritu o kaluluwa.
Simbolo ng Hinduismo
Sumasamba sila sa ibat ibat uri at anyo ng Diyos na tinatawag na polytheismo. Bahagi ng paniniwalang Hindu ang Reinkarnasyon, kung saan ang namatay na katawan ng tao ay isisilang na muli sa ibang anyo, paraan o nilalang. Nainiwala ang mga Hindu sa Karma, Ang Karma ang magbibigay sa tao ng gantimpala kung kabutihan ang tinanim, subalit pagdurusa naman ang balik kapag kasamaan ang itinanim sa kapwa. Naniniwala ang mga Hindu na ang tao ay dapat na magsikap sa buhay at ito ay dapat na iniaalay niya sa Diyos anuman ang antas niya sa lipunan.



7 comments: