Wednesday, October 15, 2014

MGA SALIK SA PAGBUO NG KABIHASNAN



  • Relihiyon
  • Kaugalian
  • Organisado/Sentralisadong pamahalaan
  • Sining at Arkitektura
  • Sistema ng Pagsulat
  • Antas ng Teknolohiya

Relihiyong SHINTOISMO

Shintoismo ang tawag sa Paniniwala ng mga Hapones tungkol sa Diyosa ng araw at iba pang Diyosa ng kalikasan. Ang Shinto ay nangangahulugang Daan o kaparaanan ng Diyos. Tinatawag na Kami ang mga Diyos na may kapangyarihang likas at nananahan ang mga ito sa ilog, puno, bato, bundok, buwan at araw. Sinasamba rin nila ang namatay nilang mga kamaganak at ninuno. Nakasentro ang pagsamba nila sa mga templo at dambana na sa panini-wala nila ay nananahan ang Diyos. Bunubuo ang paniniwala nila ng mga dasal, pagpalakpak, pag-aalay at gawaing pananampalataya. Malaking bilang nila ay makikita sa bansang Hapon.

APAT NA PANININDIGAN NG SHINTO
 Tradisyon at Pamilya: Ang pamilya ang kanilang pangunahingprayoridad.
 Pagmamahal sa Kalikasan: Ang kalikasan ay may malakas na koneksyon sa mga Panginoon kaya ito’y binibigyang silbi.
 Kanilang Kalinisan: Sila ay palaging naliligo at naghuhugas.
 Matsuri: Pagpuri sa mga Panginoon at sa mga sinaunang espirito.

Paniniwala
Purification: Pagtanggal ng masamang espiritu sa katawan.
Kami: Banal na espiritu na lumalabas sa anyo ng mga bagay.
Kapag ikaw ay namamatay, ikaw ay magiging isang kami.

Simbolo ng Shintoismo
Aragami: Masamang “kami” na pinatay at ngayon ay naghahanap ng paghihiganti.

Mizuko: Mga batang hindi naipanganak. Mga sanhi ng problema.


Mizuko Kuyo: Pag-samba ng mga Mizuko upang iwasan ang problema.

Relihiyong ZOROASTRIANISMO

 Noong ika-6 na siglo B.C., ipinalaganap ni Zoroastro, isang mangangaral na taga-Persia (Iran na ngayon), ang isang relihiyon. Sang-ayon sa relihiyong ito, ang búhay ng tao sa daigdig ay ang pagtahak patungo sa kabutihan o kasamaan. Pinamumunuan ang kabutihan ni Ahura Mazda, ang Kataas-taasang Diyos; samantalang ang kasamaan ay nasa pangangasiwa ni Ahriman, ang Diy-ablong Espiritu.Sa wakas ng panahon, magtatagumpay si Ahura Mazda laban kay Ahriman. At ang magiging wakas ng daigdig ay sa pamamagitan ng pagkatupok sa apoy. Ang táong mabubuti at su-musunod sa mga aral ni Ahura Mazda ay titira na sa isang kahariang walang hanggan ang kaligaya-han at kabutihan. Ang masasama naman ay parurusahan magpakailanman.Ang mga pangaral ng relihiyong ito ay nakatalâ sa mga aklat na pinagsama-sama sa ilalim ng pamagat na Zend-Avesta. Naging malaganap ang relihiyong ito sa Gitnang Silangan sa loob ng higit sa isang libong taon, mula ika-6 na siglo B.C. hanggang ika-7 siglo A.D. Ginawa pa nga itong opisyal na relihiyon ng Imperyo ng Persia noon. Subalit dinaig ito ng Islam nang mapadpad itong huli sa Persia noong mga huling ba-hagi ng ika-7 siglo A.D. Bagama't nadaig ng Islam, hindi naman ito tuluyang naglaho. Magpahang-gang ngayon, marami pa rin ang mga naniniwala sa relihiyong ito sa Iran at India. Napakahiwaga ng relihiyong ito. Pinaniniwalaang nakatatanda ito nang isa o higit pang libong taon sa iba pang mga relihiyon, kabilang na ang Judaismo, Kristiyanismo, Buddhismo, at Islam. Mula rito ang maraming pangunahing doktrinang pananampalataya, gaya ng Diyos at Diyablo, langit at impiyerno, purga-toryo, kaluluwa ng tao, araw ng paghuhukom, at wakas ng mundo.
Simbolo ng Zoroastrianismo

Relihiyong ISLAM

 Ito ang relihiyon ng mga Muslim. Sinasabing ikalawa sa pinaka malaking relihiyon sa daig-dig.Kakaiba dahil ang pangalan ng relihiyon ay hindi tao, pook atbp. Ito ay galing sa salitang Arabik “Salam”, kapayapaan, pagsunod at pagsuko sa Diyos Si Muhammad, Ang huling propetang pinadala ni Allah. Siya ang nagtatag ng Islam. Sinasabing mabait at mapagkakatiti-walaan, “Al Amin” (Mapagkakatiwalaan) Muslim ang tawag sa mga nilikha ni Allah na Sumusunod, Sumusuko at Tumatalima sa Kaniyang mga kautusan.

Mga Paniniwala at Aral ng Islam
Ang Koran ang banal na aklat ng mga Muslim na tunay na salita ni Allah galing kay Muhammad sa pamamagitan ni angel Gabriel. Isa lang ang Diyos na si Allah at si Muham-mad ang kanyang propeta.Hindi sila maaaring kumain ng baboy at hamon at uminom ng alak.Ang lalaki ay maaaring magkaroon ng 4 na asawa na Muslim. “Islam aims to bring about prosperity to all mankind.” Nais nilang magkaroon ng Kapayapaan, pagkawalang gulo, kapaya-paan, “pluralism”, at “consultative system of leadership”.Sina Abraham, Noah, Moses, Hesus at Muhammad ang mga propeta ni Allah. Hindi tinuturing anak ng Diyos si Hesus. Pinadala lang daw siya ni Allah bilang isang propeta.

LIMANG HALIGI NG ISLAM
Ang Limang Haligi ng Islam ay ang pundasyon ng relihiyon. Inaasahang ang bawat Muslim ay makakasunod dito.

Una: IMAN (Pananampalataya)
- Pagpapahayag ng Shahadah, “Walang Diyos kundi si Allah at si Muhammad ang kanyang propeta.”
- maglingkod at sumunod kay Allah buong buhay batay sa nga turo at gawa ng propetang si Mu-hammad

Pangalawa: SALAH (Pagdarasal)
- nagdadasal nang limang beses “mula sa madaling araw at tuwing tawag ng muezzin o taga-tawag”
- mas kanais-nais na magdasal sa Moske/Mosque kasama ng ibang Muslim

Pangatlo: ZAKAH (Pag-aabuloy)
- magbigay ng ilang bahagi ng kayamanan sa nangangailangan
- Zakah: “purification”, “growth”
- Sadaqa-h (voluntary charity) ay maaaring ibigay.

Pang-apat: SAWM (Pag-aayuno)
- pag-aayuno mula sa pagkain, inumin, at seksyuwal na relasyon kasama ng kanilang asawa
- 40 araw mula 6 ng umaga hanggang 6 ng gabi (Ramadan)

Panlima: HAJJ (Paglalakbay)
- magbiyahe sa Mecca (The Black Stone of Kaaba) kahit isang beses lamang sa kanyang buhay
- ika-12 na buwan ng taong Islam

- para lang sa mga may kayang pumunta physically at financially 
Simbolo ng Islam

Relihiyong KRISTIYANISMO

Ang Kristiyanismo ang pinaka malaking bilang sa lahat ng mga relihiyon sa mundo. Sa dami ng taga sunod at kasapi. Ito ay relihiyong batay sa sa buhay at turo ni Kristo. Si Kristo ang tagapagligtas na ipinadala upang iligtas ang sanlibutan. Ang Kristiyanismo ay mula sa relihiyong Judaismo,mula sa Lumang Tipan hanggang sa mga aral ni Moses si Kristo ang ipinagakong Me-siyas at manunubos. Ayon kay Kristo mahal ng Diyos ang lahat ng tao at natutuwa siya kapag mahal siya at pinaglilingkuran nila.Pinagtibay ng Simbahang katoliko ang paniniwala sa San-tisima Trinidad, ito ang paniniwala sa Iisang Diyos, Ama, Anak at Espiritu Santo.Bibliya ang banal na aklat ng mga Kristiyano.Ang Kristiyanismo ay nakabatay sa dalawang paniniwala: Ang pagkilala kay Hesus na Anak ng Diyos at paniniwala sa kanyang pagkabuhay na muli.Bahagi ng paniniwalang Kristiyanismo ang pagsunod sa Pitong Sakramento, pagsasabuhay ng Sampung Utos ng Diyos at Mga kautusan ng Simbahan ng nagmumula sa Papa sa Roma.Ang Papa sa Roma ang pinaka mataas na pinuno ng Simbahang katoliko. Ang lahat ng simbahang katoliko sa daigdig ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Papa sa Roma. 
Simbolo ng Kristiyanismo

Relihiyong JUDAISMO

 Ang Judaismo ang isa sa pinakamatandang relihiyon sa daigdig. Ang paniniwala ng mga Hudyo sa monoteismo ay nagpapatunay na naging batayan ito ng Kristyanismo at Islam. Ang Torah na nangangahulugang batas at aral ay naglalaman ng limang aklat ni Moses.
Ang Sampung Utos ang gabay ng mga Hudyo sa wastong pagkilos at pamumuhay. Ang mga ito ay ang sumusunod :








Simbolo ng Judaismo
ANG SAMPUNG UTOS NG DIYOS (Tagalog)

1. Ibigin mo ang DIYOS ng lalo at higit sa lahat. 
2. Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan. 
3. Ipangilin mo ang araw ng Sabbath. 
4. Igalang mo ang iyong ama at ina. 
5. Huwag kang papatay. 
6. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa. 
7. Huwag kang magnanakaw. 
8. Huwag kang magbibintang at huwag kang magsisinungaling. 
9. Huwag kang mag nanasa sa hindi mo pag- aari. 
10. Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.

Relihiyong SIKHISMO

Ang Sikhismo ay itinatag ni Guru Nanak. Sinikap niyang pagbuklurin ang ang mga Mus-lim sa isang kapatiran. Ang mga mananampalataya ng Sikhismo ay matatagpuan sa India, Pakistan at iba pang parte ng daigdig.

Mga Paniniwala ng mga Sikhismo

May Isang Diyos, Walang hanggang katotohanan ang kanyang pangalan. Sila ay nanini-wala sa reinkarnasyon at sa pag-akyat ng mga kaluluwa mula sa mababang antas pataas.Kailanganag masagip ang mga tao o silay patuloy na makaranas ng mulit muling pagsilang. Ang nirvana ng mga Sikh ay makakamtam sa pagsama ng indibidwal sa kanyang lumikha sa kabilang buhay. 



Simbolo ng Sikhismo