Relihiyong KRISTIYANISMO
Ang
Kristiyanismo ang pinaka malaking bilang sa lahat ng mga relihiyon sa mundo. Sa
dami ng taga sunod at kasapi. Ito ay relihiyong batay sa sa buhay at turo ni
Kristo. Si Kristo ang tagapagligtas na ipinadala upang iligtas ang sanlibutan.
Ang Kristiyanismo ay mula sa relihiyong Judaismo,mula sa Lumang Tipan hanggang
sa mga aral ni Moses si Kristo ang ipinagakong Me-siyas at manunubos. Ayon kay
Kristo mahal ng Diyos ang lahat ng tao at natutuwa siya kapag mahal siya at
pinaglilingkuran nila.Pinagtibay ng Simbahang katoliko ang paniniwala sa
San-tisima Trinidad, ito ang paniniwala sa Iisang Diyos, Ama, Anak at Espiritu
Santo.Bibliya ang banal na aklat ng mga Kristiyano.Ang Kristiyanismo ay
nakabatay sa dalawang paniniwala: Ang pagkilala kay Hesus na Anak ng Diyos at
paniniwala sa kanyang pagkabuhay na muli.Bahagi ng paniniwalang Kristiyanismo
ang pagsunod sa Pitong Sakramento, pagsasabuhay ng Sampung Utos ng Diyos at Mga
kautusan ng Simbahan ng nagmumula sa Papa sa Roma.Ang Papa sa Roma ang pinaka
mataas na pinuno ng Simbahang katoliko. Ang lahat ng simbahang katoliko sa
daigdig ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Papa sa Roma.
|
Simbolo ng Kristiyanismo |
It,s very good
ReplyDeletepaniniwala ng relihiyong kristyanismo
ReplyDelete