Wednesday, October 15, 2014

Kabihasnang SHANG

Ang Shang ay dating isang matandang tribong naninirahan sa ibabang bahagi ng Yellow River. Ito'y estado ng Kahariang Xia. Sa pagtatapos ng Xia, ang kahuli-hulihang haring si Jie ay isang tiranong naging sanhi ng pagdaralita ng mga mamamayan. Pinangunahan ng puno ng Tribong Shang na si Tang ang isang rebeldeng hukbo at pinabagsak ang Dinastiyang Xia (Ang ika-21 sa ika-17 siglo BC). Sa gayon naitatag ni Tang ang Dinastiyang Shang at ginawang kabisera nito ang Bo (kasalukuyang Caoxian Country sa lalawigang Shandong).

MGA AMBAG NG KABIHASNANG SHANG:
>Sistema ng pag-sulat- Calligraphy

 >Bronzeware-Gumitaw sa Tsina ang kulturang bronse bago ang 3,000 BC at umabot ito sa kasukdulan noong ika-13 siglo BC. Ang mga bagay na yari sa bronse ay hindi lamang nakaapekto sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga tao kundi gayun din sa armas ng estado. 

>Paggamit ng oracle bones- Ang oracle bones ay mga piraso ng mga buto o talukap ng pagong na ginagamit sa panghuhula kapag iniinit at binabasag. Tipikal itong ginamit sa mga ritwal ng dinastiyang Shang sa Tsina at pagkatapos, tipikal na nakasulat ang panghuhula, na kilala bilang kasultang butong orakulo.

21 comments:

  1. So good so easy to get assignment thanks

    ReplyDelete
  2. thankkkkk uuuu this is very helpfullll omggggg

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete