Wednesday, October 15, 2014

Relihiyong JAINISMO

Isa sa mga relihiyon sa India, ayon sa Veda ang jainismo ay itinatag ni Rsabha, subalit ang pinaka naging pinuno ng Jainismo ay si Mahavira o Vhardamana. Tinalikuran niya ang lahat ng kaniyang kayamanan at kapangyarihan at naging asetiko katulad din ni Buddha.



Mga Doktrina ng Jainismo

Simbolo ng Jainismo
Ang bawat tao ay may layunin na makalaya ang kaluluwa sa pagkabuhay, pagkamatay at muling pagkabuhay. Ito ay siklo na dapat maranasan ng lahat ng tao.Bawal kumain ng karne, bawal ang pumatay ng insekto, bawal ang magnakaw, magsinungaling, bawal ang magkaroon ng ari arian at makipag talik.Ang karma ay isang buhay na bagay na dumadaan sa katawan ng anumang bagay at buhay at nagiging pabigat ito. Kailangan mapagtimpi at disiplinado ang tao. Kailangan igalang ang lahat ng mga bagay na may buhay. Bawal ang pananakit sa anumang may buhay, tinawag itong ahimsa o kawalan ng karahasan o non violence. Binibigyang diin ng Jainismo ang aseti-smo o pagpapakasakit at mahigpit na penitensya upang upang mapaglabanan ang kasikiman ng katawan.

6 comments: