Wednesday, October 15, 2014

Relihiyong ZOROASTRIANISMO

 Noong ika-6 na siglo B.C., ipinalaganap ni Zoroastro, isang mangangaral na taga-Persia (Iran na ngayon), ang isang relihiyon. Sang-ayon sa relihiyong ito, ang búhay ng tao sa daigdig ay ang pagtahak patungo sa kabutihan o kasamaan. Pinamumunuan ang kabutihan ni Ahura Mazda, ang Kataas-taasang Diyos; samantalang ang kasamaan ay nasa pangangasiwa ni Ahriman, ang Diy-ablong Espiritu.Sa wakas ng panahon, magtatagumpay si Ahura Mazda laban kay Ahriman. At ang magiging wakas ng daigdig ay sa pamamagitan ng pagkatupok sa apoy. Ang táong mabubuti at su-musunod sa mga aral ni Ahura Mazda ay titira na sa isang kahariang walang hanggan ang kaligaya-han at kabutihan. Ang masasama naman ay parurusahan magpakailanman.Ang mga pangaral ng relihiyong ito ay nakatalâ sa mga aklat na pinagsama-sama sa ilalim ng pamagat na Zend-Avesta. Naging malaganap ang relihiyong ito sa Gitnang Silangan sa loob ng higit sa isang libong taon, mula ika-6 na siglo B.C. hanggang ika-7 siglo A.D. Ginawa pa nga itong opisyal na relihiyon ng Imperyo ng Persia noon. Subalit dinaig ito ng Islam nang mapadpad itong huli sa Persia noong mga huling ba-hagi ng ika-7 siglo A.D. Bagama't nadaig ng Islam, hindi naman ito tuluyang naglaho. Magpahang-gang ngayon, marami pa rin ang mga naniniwala sa relihiyong ito sa Iran at India. Napakahiwaga ng relihiyong ito. Pinaniniwalaang nakatatanda ito nang isa o higit pang libong taon sa iba pang mga relihiyon, kabilang na ang Judaismo, Kristiyanismo, Buddhismo, at Islam. Mula rito ang maraming pangunahing doktrinang pananampalataya, gaya ng Diyos at Diyablo, langit at impiyerno, purga-toryo, kaluluwa ng tao, araw ng paghuhukom, at wakas ng mundo.
Simbolo ng Zoroastrianismo

9 comments: