Wednesday, October 15, 2014

MGA SALIK SA PAGBUO NG KABIHASNAN



  • Relihiyon
  • Kaugalian
  • Organisado/Sentralisadong pamahalaan
  • Sining at Arkitektura
  • Sistema ng Pagsulat
  • Antas ng Teknolohiya

Relihiyong SHINTOISMO

Shintoismo ang tawag sa Paniniwala ng mga Hapones tungkol sa Diyosa ng araw at iba pang Diyosa ng kalikasan. Ang Shinto ay nangangahulugang Daan o kaparaanan ng Diyos. Tinatawag na Kami ang mga Diyos na may kapangyarihang likas at nananahan ang mga ito sa ilog, puno, bato, bundok, buwan at araw. Sinasamba rin nila ang namatay nilang mga kamaganak at ninuno. Nakasentro ang pagsamba nila sa mga templo at dambana na sa panini-wala nila ay nananahan ang Diyos. Bunubuo ang paniniwala nila ng mga dasal, pagpalakpak, pag-aalay at gawaing pananampalataya. Malaking bilang nila ay makikita sa bansang Hapon.

APAT NA PANININDIGAN NG SHINTO
 Tradisyon at Pamilya: Ang pamilya ang kanilang pangunahingprayoridad.
 Pagmamahal sa Kalikasan: Ang kalikasan ay may malakas na koneksyon sa mga Panginoon kaya ito’y binibigyang silbi.
 Kanilang Kalinisan: Sila ay palaging naliligo at naghuhugas.
 Matsuri: Pagpuri sa mga Panginoon at sa mga sinaunang espirito.

Paniniwala
Purification: Pagtanggal ng masamang espiritu sa katawan.
Kami: Banal na espiritu na lumalabas sa anyo ng mga bagay.
Kapag ikaw ay namamatay, ikaw ay magiging isang kami.

Simbolo ng Shintoismo
Aragami: Masamang “kami” na pinatay at ngayon ay naghahanap ng paghihiganti.

Mizuko: Mga batang hindi naipanganak. Mga sanhi ng problema.


Mizuko Kuyo: Pag-samba ng mga Mizuko upang iwasan ang problema.

Relihiyong ZOROASTRIANISMO

 Noong ika-6 na siglo B.C., ipinalaganap ni Zoroastro, isang mangangaral na taga-Persia (Iran na ngayon), ang isang relihiyon. Sang-ayon sa relihiyong ito, ang búhay ng tao sa daigdig ay ang pagtahak patungo sa kabutihan o kasamaan. Pinamumunuan ang kabutihan ni Ahura Mazda, ang Kataas-taasang Diyos; samantalang ang kasamaan ay nasa pangangasiwa ni Ahriman, ang Diy-ablong Espiritu.Sa wakas ng panahon, magtatagumpay si Ahura Mazda laban kay Ahriman. At ang magiging wakas ng daigdig ay sa pamamagitan ng pagkatupok sa apoy. Ang táong mabubuti at su-musunod sa mga aral ni Ahura Mazda ay titira na sa isang kahariang walang hanggan ang kaligaya-han at kabutihan. Ang masasama naman ay parurusahan magpakailanman.Ang mga pangaral ng relihiyong ito ay nakatalâ sa mga aklat na pinagsama-sama sa ilalim ng pamagat na Zend-Avesta. Naging malaganap ang relihiyong ito sa Gitnang Silangan sa loob ng higit sa isang libong taon, mula ika-6 na siglo B.C. hanggang ika-7 siglo A.D. Ginawa pa nga itong opisyal na relihiyon ng Imperyo ng Persia noon. Subalit dinaig ito ng Islam nang mapadpad itong huli sa Persia noong mga huling ba-hagi ng ika-7 siglo A.D. Bagama't nadaig ng Islam, hindi naman ito tuluyang naglaho. Magpahang-gang ngayon, marami pa rin ang mga naniniwala sa relihiyong ito sa Iran at India. Napakahiwaga ng relihiyong ito. Pinaniniwalaang nakatatanda ito nang isa o higit pang libong taon sa iba pang mga relihiyon, kabilang na ang Judaismo, Kristiyanismo, Buddhismo, at Islam. Mula rito ang maraming pangunahing doktrinang pananampalataya, gaya ng Diyos at Diyablo, langit at impiyerno, purga-toryo, kaluluwa ng tao, araw ng paghuhukom, at wakas ng mundo.
Simbolo ng Zoroastrianismo

Relihiyong ISLAM

 Ito ang relihiyon ng mga Muslim. Sinasabing ikalawa sa pinaka malaking relihiyon sa daig-dig.Kakaiba dahil ang pangalan ng relihiyon ay hindi tao, pook atbp. Ito ay galing sa salitang Arabik “Salam”, kapayapaan, pagsunod at pagsuko sa Diyos Si Muhammad, Ang huling propetang pinadala ni Allah. Siya ang nagtatag ng Islam. Sinasabing mabait at mapagkakatiti-walaan, “Al Amin” (Mapagkakatiwalaan) Muslim ang tawag sa mga nilikha ni Allah na Sumusunod, Sumusuko at Tumatalima sa Kaniyang mga kautusan.

Mga Paniniwala at Aral ng Islam
Ang Koran ang banal na aklat ng mga Muslim na tunay na salita ni Allah galing kay Muhammad sa pamamagitan ni angel Gabriel. Isa lang ang Diyos na si Allah at si Muham-mad ang kanyang propeta.Hindi sila maaaring kumain ng baboy at hamon at uminom ng alak.Ang lalaki ay maaaring magkaroon ng 4 na asawa na Muslim. “Islam aims to bring about prosperity to all mankind.” Nais nilang magkaroon ng Kapayapaan, pagkawalang gulo, kapaya-paan, “pluralism”, at “consultative system of leadership”.Sina Abraham, Noah, Moses, Hesus at Muhammad ang mga propeta ni Allah. Hindi tinuturing anak ng Diyos si Hesus. Pinadala lang daw siya ni Allah bilang isang propeta.

LIMANG HALIGI NG ISLAM
Ang Limang Haligi ng Islam ay ang pundasyon ng relihiyon. Inaasahang ang bawat Muslim ay makakasunod dito.

Una: IMAN (Pananampalataya)
- Pagpapahayag ng Shahadah, “Walang Diyos kundi si Allah at si Muhammad ang kanyang propeta.”
- maglingkod at sumunod kay Allah buong buhay batay sa nga turo at gawa ng propetang si Mu-hammad

Pangalawa: SALAH (Pagdarasal)
- nagdadasal nang limang beses “mula sa madaling araw at tuwing tawag ng muezzin o taga-tawag”
- mas kanais-nais na magdasal sa Moske/Mosque kasama ng ibang Muslim

Pangatlo: ZAKAH (Pag-aabuloy)
- magbigay ng ilang bahagi ng kayamanan sa nangangailangan
- Zakah: “purification”, “growth”
- Sadaqa-h (voluntary charity) ay maaaring ibigay.

Pang-apat: SAWM (Pag-aayuno)
- pag-aayuno mula sa pagkain, inumin, at seksyuwal na relasyon kasama ng kanilang asawa
- 40 araw mula 6 ng umaga hanggang 6 ng gabi (Ramadan)

Panlima: HAJJ (Paglalakbay)
- magbiyahe sa Mecca (The Black Stone of Kaaba) kahit isang beses lamang sa kanyang buhay
- ika-12 na buwan ng taong Islam

- para lang sa mga may kayang pumunta physically at financially 
Simbolo ng Islam

Relihiyong KRISTIYANISMO

Ang Kristiyanismo ang pinaka malaking bilang sa lahat ng mga relihiyon sa mundo. Sa dami ng taga sunod at kasapi. Ito ay relihiyong batay sa sa buhay at turo ni Kristo. Si Kristo ang tagapagligtas na ipinadala upang iligtas ang sanlibutan. Ang Kristiyanismo ay mula sa relihiyong Judaismo,mula sa Lumang Tipan hanggang sa mga aral ni Moses si Kristo ang ipinagakong Me-siyas at manunubos. Ayon kay Kristo mahal ng Diyos ang lahat ng tao at natutuwa siya kapag mahal siya at pinaglilingkuran nila.Pinagtibay ng Simbahang katoliko ang paniniwala sa San-tisima Trinidad, ito ang paniniwala sa Iisang Diyos, Ama, Anak at Espiritu Santo.Bibliya ang banal na aklat ng mga Kristiyano.Ang Kristiyanismo ay nakabatay sa dalawang paniniwala: Ang pagkilala kay Hesus na Anak ng Diyos at paniniwala sa kanyang pagkabuhay na muli.Bahagi ng paniniwalang Kristiyanismo ang pagsunod sa Pitong Sakramento, pagsasabuhay ng Sampung Utos ng Diyos at Mga kautusan ng Simbahan ng nagmumula sa Papa sa Roma.Ang Papa sa Roma ang pinaka mataas na pinuno ng Simbahang katoliko. Ang lahat ng simbahang katoliko sa daigdig ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Papa sa Roma. 
Simbolo ng Kristiyanismo

Relihiyong JUDAISMO

 Ang Judaismo ang isa sa pinakamatandang relihiyon sa daigdig. Ang paniniwala ng mga Hudyo sa monoteismo ay nagpapatunay na naging batayan ito ng Kristyanismo at Islam. Ang Torah na nangangahulugang batas at aral ay naglalaman ng limang aklat ni Moses.
Ang Sampung Utos ang gabay ng mga Hudyo sa wastong pagkilos at pamumuhay. Ang mga ito ay ang sumusunod :








Simbolo ng Judaismo
ANG SAMPUNG UTOS NG DIYOS (Tagalog)

1. Ibigin mo ang DIYOS ng lalo at higit sa lahat. 
2. Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan. 
3. Ipangilin mo ang araw ng Sabbath. 
4. Igalang mo ang iyong ama at ina. 
5. Huwag kang papatay. 
6. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa. 
7. Huwag kang magnanakaw. 
8. Huwag kang magbibintang at huwag kang magsisinungaling. 
9. Huwag kang mag nanasa sa hindi mo pag- aari. 
10. Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.

Relihiyong SIKHISMO

Ang Sikhismo ay itinatag ni Guru Nanak. Sinikap niyang pagbuklurin ang ang mga Mus-lim sa isang kapatiran. Ang mga mananampalataya ng Sikhismo ay matatagpuan sa India, Pakistan at iba pang parte ng daigdig.

Mga Paniniwala ng mga Sikhismo

May Isang Diyos, Walang hanggang katotohanan ang kanyang pangalan. Sila ay nanini-wala sa reinkarnasyon at sa pag-akyat ng mga kaluluwa mula sa mababang antas pataas.Kailanganag masagip ang mga tao o silay patuloy na makaranas ng mulit muling pagsilang. Ang nirvana ng mga Sikh ay makakamtam sa pagsama ng indibidwal sa kanyang lumikha sa kabilang buhay. 



Simbolo ng Sikhismo

Relihiyong JAINISMO

Isa sa mga relihiyon sa India, ayon sa Veda ang jainismo ay itinatag ni Rsabha, subalit ang pinaka naging pinuno ng Jainismo ay si Mahavira o Vhardamana. Tinalikuran niya ang lahat ng kaniyang kayamanan at kapangyarihan at naging asetiko katulad din ni Buddha.



Mga Doktrina ng Jainismo

Simbolo ng Jainismo
Ang bawat tao ay may layunin na makalaya ang kaluluwa sa pagkabuhay, pagkamatay at muling pagkabuhay. Ito ay siklo na dapat maranasan ng lahat ng tao.Bawal kumain ng karne, bawal ang pumatay ng insekto, bawal ang magnakaw, magsinungaling, bawal ang magkaroon ng ari arian at makipag talik.Ang karma ay isang buhay na bagay na dumadaan sa katawan ng anumang bagay at buhay at nagiging pabigat ito. Kailangan mapagtimpi at disiplinado ang tao. Kailangan igalang ang lahat ng mga bagay na may buhay. Bawal ang pananakit sa anumang may buhay, tinawag itong ahimsa o kawalan ng karahasan o non violence. Binibigyang diin ng Jainismo ang aseti-smo o pagpapakasakit at mahigpit na penitensya upang upang mapaglabanan ang kasikiman ng katawan.

Relihiyong BUDDHISMO

Itinatag ito ni Sidharta Gautama, isang batang prinsipe, subalit ninais na maging asetiko upang danasin ang katotohanan ng buhay , isinuko niya ang karangyaan, luho at masarap na buhay.Iniwan niya ang pamilya at naglakbay hanngang matuklasan niya ang kaliwanagan.Kaya ang Buddhismo ay nangan-gahulugan ng “ Kaliwanagan”.

May dalawang paghahati ang Buddhismo :
Mahayana Buddhism – Kinilala bilang Diyos si Buddha na tagapagligtas mula sa guro. Niyakap ito ng mga taga Silangang Asya tulad ng China, Korea at Japan at Vietnam sa Timog Silangang Asya.
Theravada Buddhism – Kinikilala si Buddha bilang guro at banal na tao. Kinilala ito ng mga bansa sa Sri Lanka, Myanmar, Thailand ,Laos at Cambodia.
Apat na Dakilang Katotohanan ng Buddhismo
Ang buhay at pagdurusa ay hindi mapaghihiwalay.
Pagnanasa ang sanhi ng pagdurusa.
Mawawala lamang ang pagdurusa kung aalisin ang pagnanasa
Maalis ang pagnanasa kung susunod sa walong landas at matatamo ang tunay kaligayahan o Nir-vana.
Walong Dakilang Daan
1.Tamang pananaw
2. Tamang aspirasyon
3.Tamang pananalita
4. Tamang ugali
5.Tamang kabuhayan
6.Tamang konsentrsyon
7. Tamang pagpupunyagi
8. Tamang konsentrasyon. 
Simbolo ng Buddhismo

Relihiyong HINDUISMO

Hinduismo ang pangunahing relihiyon sa India na mga Aryan ang unang tribong sumam-palataya sa Hinduismo. Naniniwala sila sa maraming Diyos mula sa ibat ibang likha ng kalikasan, subalit ito ay naglaho at napalitan ng pagsamba kay Brahma.Veda ang banal na kasulatan ng mga Hindu na nagmula pa sa panahon ng mga Aryan, tinuturo ng Vedas na ang tao ay mag-karoon ng mahaba at mabuting buhay.Ginagalang ng Hinduismo ang indibidwal na pagsamba, mayroon silang mga altar,mga santo. Nagpupunta sila sa mga banal na lugar.
Mga Paniniwala ng Mga Hindu
Naniniwala ang mga Hindu sa pagkakabuklod at pagkakaisa ng mga bagay sa kapaligiran na nagdadala sa pagkakaisang ispiritwal. Naniniwala ang mga Hindu sa pagmamahal, pag-galang at pagrespeto sa lahat ng mga bagay na may buhay, espiritu o kaluluwa.
Simbolo ng Hinduismo
Sumasamba sila sa ibat ibat uri at anyo ng Diyos na tinatawag na polytheismo. Bahagi ng paniniwalang Hindu ang Reinkarnasyon, kung saan ang namatay na katawan ng tao ay isisilang na muli sa ibang anyo, paraan o nilalang. Nainiwala ang mga Hindu sa Karma, Ang Karma ang magbibigay sa tao ng gantimpala kung kabutihan ang tinanim, subalit pagdurusa naman ang balik kapag kasamaan ang itinanim sa kapwa. Naniniwala ang mga Hindu na ang tao ay dapat na magsikap sa buhay at ito ay dapat na iniaalay niya sa Diyos anuman ang antas niya sa lipunan.



Imperyong HITTITE

Ang mga Hitita o Hitito (tinatawag ding HetitaHetitoHeteo, o Hittites,Hittites) ay isang makasaysayang lahi ng mga sinaunang taong Snstolisnso na nagsasalita ng Wikang Hitita. Nagtayo sila ng kahariang tinawag na Kahariang Hitita. Tinawag din silang Imperyong Hitita noong ika-14 na siglo BCE, nang masakop nila ang buong Anatolia? Hilagang-kanluran ng Siria hanggang sa Ilog Litani at sa Hilaga ng Mesopotamya. Isa itong imperyong nasa kinalalagyan ng pangkasalukuyang gitnang Turkiya, at nagtagal ng may 700 mga taon, mula mga 1900 BK magpahanggang 1200 BK.[1] Sa kasalukuyan nasa Museo ng mga Kabihasnan sa Anatolia na matatagpuan sa AnkaraTurkiya ang mga artipakto ng mga Hitita at Anatoliano.

MGA AMBAG NG IMPERYONG HITTITE :

> Pagkakatuklas ng Bakal

Imperyong PERSIA

Ang mga Persian ay nagtatag ng isang malawak na imperyo at tinawag nila itong imperyong Achaemenid. Nagsimulang manakop ang mga Persian sa panahon ni Cyrus The Great (559 B.C.E – 530 B.C.E.) at napasailalim sa kanila ang Medes at Chaldean sa Mesopotamia at Asia Minor (Turkey) 
- Darius The Great (521 B.C.E. -486 B.C.E), -umabot ang sakop ng imperyo hanggang india. Hinati ang mga imperyo sa mga lalawigan o satrapy at pinamahalaan ng gobernador o satrap.

MGA AMBAG NG IMPERYONG PERSIA :

> Ginto't Pilak na Barya

> Relihiyong Zoroastrianismo

> Royal Road

Imperyong HEBREO

Ang lupain na nagsisilbing tulay sa pagitan ng Asya, Aprika at Mediterranean Sea ang imperyong Hebreo. Ito rin ang nagsilbing daan patungong Fertile Crescent noong Sinaunang Kabihasnan. Mga nomad at gala din ang mga Ebreo,

MGA AMBAG NG IMPERYONG HEBREO :
> Monotheism- paniniwala sa isang Diyos
> Torah- Ang Tora ay ang katawagan sa unang limang mga aklat ng Tanakh. Kinabibilangan ito ng: Bereshit (Genesis), Shemot (Exodus), Vayikra (Leviticus), Bemidbar(Numbers), at Devarim (Deuteronomy). Sinulat ni Moises ang Tora upang ipaalala sa mga Israelita ang mga batas na ibinigay sa kanila ng Diyos.

Imperyong PHOENICIAN

Ang Phoenicia ay isang kabihasnan sa hilagang bahagi ng Kanaan, ang banal na lupain para sa mga Kristiyano at mga Hudyo. Umiral ang Penisya magmula 1200 BK magpahanggang 900 BK. Mayroon sariling wika ang mga Penisyo o Penisyano (mga taga Penisya, Penisyana kung babae), tinatawag na wikang Penisyo, na mahalaga sa napakaraming makabagong mga wika.

MGA AMBAG NG IMPERYONG PHOENICIAN :

> Sistema ng Pagsulat - Alpabeto



> Purple dye - Murex


> Batayan ng Wikang Egyptian

> Unang babasaging bote

Imperyong CHALDEAN

Ang mga grupong Chaldean at Medes ay kapwa nagsanib ng kanilang mga pwersa laban sa mga Assyrian. Simula ng bumagsak ang kapangyarihan ng mga Assyrian , muling naging sentro ng kapangyarihan ang timog Mesopotamia. Sa ilalim ng pamumuno ni Nebuchadnezzar, muling sumigla ang Babylonia at nabawi ang kadakilaan na dating natamo. Nilikha ang tanyag na Hanging Gardens sa panahon ng pananaig ng ikalawang Imperyong Babylonian. Ito ay terrace ng mga halaman at bulaklak na ipinatayo ni Nebuchadnezzar para sa kanyang asawa. (Amethys)

MGA AMBAG NG IMPERYONG CHALDEAN :
> Zodiac and Horoscope


> Konsepto ng Hanging Garden



Imperyong ASSYRIAN

Ang mga Asirio ay ang mga taong namuhay sa hilagang bahagi ng kasalukuyang Irak noong mula mga 2900 BK magpahanggang 600 BK. Nanirahan sila sa mataas na pook sa may Ilog ng Tigris. Kabilang sa kanilang pangunahing mga lungsod ng Assur at Nineveh. Nagkaroon sila ng Imperyong umaabot mula Ehipto hanggang Golpo ng Persa. Ang mga mandirigma nito ay gumagamit ng dahas sa pakikipaglaban.

MGA AMBAG NG IMPERYONG ASSYRIAN :

>Kauna-unahang aklatan na may 200,000 tabletang luwad na itinayo ni Ashurbanipal. 

Imperyong LYDIAN

Ang  Lydia ay isang kaharian noon ng hilagang Asya Minor na nasa pangkalahatang silangan ng sinaunang Ionia sa mga makabagong lalawigan Manisa at wala sa baybaying Izmir ng Turkiya. Wikang Anatolian ang sinasambit na wika ng mamamayan nito, isang wikanasasakop ng Kaharian ng Lydia ang lahat ng nasa kanlurang Anatolia. Nang lumaon, naging pangalan ng isang lalawigang Romanoo ang Lydia. Nalikha sa Lydia ang mga piseta o kuwaltang bilog at yari sa metal noong mga 660  Pinaniniwalaan na ang mga Lidyano (mga Lydian) ang umimbento ng ganitong uri ng mga salapi.g kilala bilang Lydian.

MGA AMBAG NG IMPERYONG LYDIA

>Sinasabing ang matatalinong negosyante ng Lydia ang unang gumamit ng mga barya. Matagal nang ginagamit ang ginto at pilak bilang pera, pero dahil hindi pare-pareho ang laki ng mga bara at pabilog na ginto, kinailangan ng mga tao na timbangin ang kanilang pera kapag nagbabayaran para sa isang produkto o serbisyo.

Imperyong BABYLONIAN

Ito ay isang makasaysayang lungsod-estado na naging imperyo sa Gitnang Silangang Asya Isa itong lungsod sa sinaunang Mesopotamya. Matatagpuan ang labi nito sa pangkasalukuyang-panahong Al Hillah, Lalawigan ng Babil (Gubernaturang Babil), salrak, mga 85 kilometro (55 mi) sa timog ng Baghdad. Ang matandang lungsod na ito ng Mesopotamya (ang Irak ngayon) ang kabiserang lungsod ng Babylonia. Nabanggit sa unang pagkakataon sa kasaysayan ang lungsod noong ika-24 daantaon BK. Sa kabuoan ng kasaysayan nito, humina ang kapangyarihang angkin ng Babilonya.

MGA AMBAG NG BABYLONIANS :
> Batas - Code of Hammurabi


          Mata sa mata, ngipin sa ngipin. Ang prinsipyo ng batas na ito ay mula kay Hammurabi na kilala sa pagtitipin ng batas.

Imperyong AKKADIAN




Ang Imperyong Akkadian na nakasentro sa siyudad. Noong 3000 BCE, may umunlad na isang malapit na symbiosis sa pagitan ng mga Sumerian at mga Akkadian na Semitiko na kinabibilangan ng malawak na bilingualismo. Unti unting pinalitan ng wikang Akkadian ang Sumerian bilang sinasalitang wika sa isang lugar sa pagtungo sa 3000 BCE at 2000 BCENaabot ng imperyong Akkadian ang tugatog na pang politik anito sa pagitan ng 2400 at 2200 BCE kasunod ng mga pananakop ng tagapagtatag nitong si Sargon ng Akkad (2334–2279 BCE). Sa ilalim ni Sargon at kanyang mga kahalili, ang wikang Akkadian ay sandaling inatas sa mga kapitbahay na sinakop na estado gaya ng Elam. Ang Akkad ay minsang itinuturing na unang imperyo sa kasaysayan bagam may mga mas naunang nag-aangking Sumerian.

Kabihasnang SHANG

Ang Shang ay dating isang matandang tribong naninirahan sa ibabang bahagi ng Yellow River. Ito'y estado ng Kahariang Xia. Sa pagtatapos ng Xia, ang kahuli-hulihang haring si Jie ay isang tiranong naging sanhi ng pagdaralita ng mga mamamayan. Pinangunahan ng puno ng Tribong Shang na si Tang ang isang rebeldeng hukbo at pinabagsak ang Dinastiyang Xia (Ang ika-21 sa ika-17 siglo BC). Sa gayon naitatag ni Tang ang Dinastiyang Shang at ginawang kabisera nito ang Bo (kasalukuyang Caoxian Country sa lalawigang Shandong).

MGA AMBAG NG KABIHASNANG SHANG:
>Sistema ng pag-sulat- Calligraphy

 >Bronzeware-Gumitaw sa Tsina ang kulturang bronse bago ang 3,000 BC at umabot ito sa kasukdulan noong ika-13 siglo BC. Ang mga bagay na yari sa bronse ay hindi lamang nakaapekto sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga tao kundi gayun din sa armas ng estado. 

>Paggamit ng oracle bones- Ang oracle bones ay mga piraso ng mga buto o talukap ng pagong na ginagamit sa panghuhula kapag iniinit at binabasag. Tipikal itong ginamit sa mga ritwal ng dinastiyang Shang sa Tsina at pagkatapos, tipikal na nakasulat ang panghuhula, na kilala bilang kasultang butong orakulo.

Kabihasnang INDUS


Ang lambak-ilog ng Indus at Ganges ay makikita sa Timog Asya. Ang rehiyong ito ay binabantayan ng matatayog na kabundukan sa hilaga - ang kabundukan ng Himalayas at ang hindu kush. 
May ilang daanan na nagsisilbing lagusan ng mga mandarayuhan at mananakop sa kanlurang asya ito ang Khyber Pass. 
Bandang 2700 B.C.E nabuo ang ilang lungsod sa Indus. Dito, limang lungsod ang nahukay at dalawa sa pinakaimportanteng lungsod ay ang Harappa at Mohenjo – daro kung saan umabot ang populasyon sa 40, 000 katao. Sinasabi na ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus.

MGA AMBAG NG KABIHASNANG INDUS:
>Sistema ng Pagsulat: Pictogram



>Citadel- malalaking gusaling napapaligiran ng mataas na pader, makikita sa loob nito ang templo, pampublikong palikuran, granary o imbakan ng mga butil ng palay.

Kabihasnang SUMER

      Ang Sumer ay isang sinaunang kabihasnan at historikal na rehiyon sa Mesopotamia sa modernong Iraq noong mga panahong Chalcolithic at maagang Panahon ng Tanso. Bagaman ang mga pinakamaagang historikal rekord sa rehiyong ito ay hindi mas maaga sa ca. 2900 BCE, ang mga modernong historyan ay nagsasaad na ang Sumerya ay unang tinirhan ng mga taong hindi-semitiko na maaring nagsalita ng wikang sumeryo sa pagitan ng ca. 4500 BCE at 4000 BCE dahil sa mga ebidensiya ng mga pangalan ng siyudad, mga ilog at iba pa.

MGA AMBAG NG KABIHASNANG SUMER :


> Sistema ng pagsulat - Cuneiform

         Paraan ng pagsulat ng mga Sumerian. Sa simula, mga marka lamang itong makikita sa pagdiin sa mga luwad na tableta. Gumagamit ang mga eskriba ang isang maliit na patpat na tinatawag na stylus. 



> Imbensyon - Gulong 

          Mula sa pagkakaimbento ng mga Sumerian sa gulong, mas napadali ang pagbubuhat ng mga bagay at mas napadali ang paggawa. Sa pagkatuklas nila ng gulong, naimbento nila ang unang karwahe.




> Matematika - Algebra

          Sa prinsipyong ito ng Matematika, ginagamit ang sistema ng pagbilang na nakabatay sa 60, paghahati o fraction gayundin ang Square Root.




> Imprastraktura - Ziggurat

          Gusaling itinayo ng mga Sumerian. Umaabot ng 7 palapag at may templo sa pinakangtuktok ng gusali.